Ligtas na Pagkakarga at Pagdedeskarga ng Mga Trailer
Kapag mataas ang mga pangangailangan sa trabaho, maaaring maging abalang lugar ang iyong dock sa pagkakarga – na puno ng mga tao at gumagalaw na forklift.
Para panatilihing ligtas ang ating kargamento at ating mga katawan, may ilang bagay na magagawa natin kapag nagkakarga at nagbababa ng mga trailer.
Bago maglagay o magtanggal ng mga bagay sa mga trailer, tanungin sa iyong sarili ang mga tanong sa kaligtasan na ito:
1. Mayroon bang sapat na ilaw para makita ang loob at labas ng trailer?
2. Masusuportahan ba ng trailer ang bigat ng aking forklift?
3. Naiba ba ang posisyon ng mga materyal sa panahon ng transportasyon at naka-secure ba ang mga karga?
4. Nasa mabuting kondisyon ba ang truck bed?
5. Tuyo ba ang lugar para sa pagkakarga para maiwasan ang pagkadulas at pagkasadsad ng makinarya o mga tao?
6. Nilimitahan ba ang bilang ng mga taong naglalakad sa lugar?
7. May malinaw na tanawin ba ng mga dock ang mga nagpapatakbo ng forklift?
Kung makakasagot ka ng oo sa bawat isa sa mga ito, gawin ang sumusunod:
-
I-secure ang trailer at pigilan ang paggalaw sa pamamagitan ng paglalagay ng mga dock lock o wheel chock sa tamang puwesto
-
Maglagay ng T-stand sa dulo ng trailer para mapigilan ang pagtagilid nito, kung kinakailangan
Kung mayroon kang anumang tanong o may nakita kang anumang bagay na hindi ligtas, makipag-usap sa iyong supervisor. Sa pananatiling alerto at may kamalayan, makakauwi ka nang ligtas sa katapusan ng araw.
Puwede mo ring panoorin ang video na bersyon ng Ligtas na Pagkarga at Pagdiskarga ng Mga Trailer.