Kaligtasan sa Paligid ng Mga Forklift, Kotse, Van, at Truck
Sa kapaligiran na mabilis ang takbo, maaaring mapansin mong may mga kasama kang forklift, sasakyan, van at trak sa iyong espasyo, na patuloy na gumagalaw sa paligid mo. Para manatiling ligtas, nangangahulugan itong kailangan mong maging handa.
Narito ang LIMANG paraan para manatiling ligtas kapag nagtatrabaho ka sa paligid ng mga sasakyan.
1. Manatili sa iyong linya: Gumamit lang ng mga lakaran na para sa tao lang at manatiling nasa labas ng mga zone para sa pagkakarga o bahagi kung saan umiikot ang mga sasakyan.
2. Magpakita: Magsuot ng mga vest at damit na madaling mapansin para makita ka ng mga nagmamaneho.
3
3. Panatilihin ang iyong distansya sa mga forklift: Maaaring mahirap para sa mga nagmamaneho ng forklift na makita ang mga taong nakatayo.
4. Iwasan ang kanilang mga blindspot o bahaging hindi nila nakikita. Huwag kailanman tumayo sa:
-
Likod, tabi o 45 degree ng kaliwa o kanan ng kanilang sasakyan.
-
Harap ng mga forklift. Hindi madaling makita ng mga nagmamaneho ng forklift ang nasa harap ng kanilang mga makina at ang mga binubuhat nila.
-
Malapit sa likod ng forklift. Kapag umiikot ang mga forklift, bumabaling sila mula sa likod, gaya ng buntot ng isda.
5. Makipag-usap sa mga nagmamaneho: Kung kailangan mong tumawid sa dadaanan ng sasakyan, gumamit ng mga senyas sa kamay, at tumingin sa mata ng nagmamaneho para malaman mong nakita ka niya. Kung hindi ka sigurado, hintayin na magbigay sila sa iyo ng senyas bago ka humakbang.
Pinakamahalaga sa lahat, palaging manatiling nag-iingat sa aumang oras na malapit ka sa mga forklift, sasakyan, van o trak.
Kung mayroon kang anumang tanong o may nakita kang anumang bagay na hindi ligtas, makipag-usap sa iyong supervisor. Sa pananatiling alerto at may kamalayan, makakauwi ka nang ligtas sa katapusan ng araw.
Puwede mo ring panoorin ang video na bersyon ng Kaligtasan sa Paligid ng Mga Forklift, Sasakyan, Van at Trak.